
Pinayagan ng Senado na isabay ang plenary sessions at mga pagdinig ng Senate Committee on Finance para sa panukalang 2027 national budget.
Inaprubahan ng Mataas na Kapulungan ang mosyon ni Senate Majority Leader Sen. Migz Zubiri na suspindihin ang Rule 14, na nagbabawal sa pagsasabay ng plenary session at committee hearings o meetings.
Dahil dito, hindi mamarkahang absent ang mga senador na dadalo sa budget hearings kahit kasabay ito ng plenary session.
Gayunman, mananatiling bawal ang pagsasabay ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa anumang committee hearing, kabilang ang budget deliberations.
Ayon kay Zubiri, kailangang laging present ang mga senador bilang mga impeachment judge sa paglilitis.
-- ADVERTISEMENT --








