Hindi umano nag-aalala si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga sa posibilidad na ma-expel siya sa House of Representatives.

Sa kaniyang pagbabalik sa plenary session matapos ang suspensyon, sinabi ni Barzaga na handa siya kahit mawala ang kanyang posisyon sa Kongreso dahil marami pa umano siyang ibang oportunidad sa labas ng politika.

Giit niya, umaasa siyang hindi na siya muling masususpinde o ma-e-expel, at nais niyang tutukan ang mga isyung tulad ng fuel crisis at isulong panukalang pag-aalis ng VAT.

Aniya, kung ma-e-expel siya, lalo lamang umano itong magpapatunay ng pananaw ng publiko na may problema sa sistema ng Kongreso.