
Posibleng magsagawa ng committee hearings ang Senado tuwing Sabado para mabawi ang mga araw ng trabaho na nasuspinde o pinaikli dahil sa masamang panahon, ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian.
Ayon kay Gatchalian, maaaring maapektuhan ng work disruptions ang legislative calendar, lalo na’t nakatakdang talakayin ng Senado ang panukalang 2027 national budget. Maaari rin itong makaapekto sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
Samantala, tiniyak ni Gatchalian na prayoridad pa rin ang kaligtasan ng mga empleyado ng Senado. Patuloy namang mino-monitor ang sitwasyon at maaaring dagdagan ang araw o oras ng trabaho kung kinakailangan.
Sa ngayon, sinabi niyang nasa tamang iskedyul pa rin ang impeachment trial. Gayunman, ayon sa Impeachment Court spokesperson na si Atty. Regie Tongol, walang probisyon sa impeachment rules para sa virtual hearings maliban kung may sapat na legal na batayan at mosyon mula sa alinmang panig.










