
Nanawagan si Senate President Win Gatchalian ng mas mahigpit na regulasyon sa baril matapos ang pamamaril sa isang paaralan sa Banga, South Cotabato na ikinasawi ng tatlong estudyante.
Sa kanyang privilege speech, hiniling ni Gatchalian na repasuhin ang mga patakaran sa pag-iisyu ng baril sa mga government personnel, pati ang tamang pag-iimbak at pag-iingat ng mga armas upang hindi ito mapasakamay ng mga hindi awtorisado, lalo na ng mga bata.
Nanawagan din siya ng maagang pagtukoy at pag-aksyon sa mga batang nakararanas ng mental health struggles, kasabay ng pag-iwas sa pag-stigmatize sa mga humihingi ng tulong.
Ayon kay Gatchalian, dapat ding matukoy at masuri agad ang mga credible threats upang maiwasan ang karahasan.
Hinimok din niya ang publiko na manatiling kalmado at iwasang agad maghanap ng masisisi, habang nanawagan sa Meta na pigilan ang pagkalat ng mga video na maaaring may kaugnayan sa insidente.
Suportado rin ng senador ang Comprehensive School Safety Act at Child Online Safety Protection Act para sa mas mahigpit na proteksyon sa mga estudyante at bata.










