Ibinasura ng Supreme Court ang petisyong kumukuwestiyon sa legalidad ng June 3, 2026 session ng Senado kung saan idineklara ang quorum at inihalal si Senator Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at kalaunan ay acting Senate President.

Ayon sa resolusyon ng SC, walang sapat na basehan para sabihing nagkaroon ng grave abuse of discretion sa pagsasagawa ng naturang sesyon, na sa halip ay lumilitaw na naaayon sa mga pangyayari, batas at jurisprudence.

Sa nasabing sesyon, 12 senador ang dumalo at nagdeklara ng quorum matapos hindi dumalo ang malaking bahagi ng dating majority bloc.

Ipinunto ng mga senador na umasa sila sa ruling sa Avelino v. Cuenco para ideklarang sapat ang 12 miyembro para sa quorum.

Sinabi ni Gatchalian na iginagalang niya ang desisyon ng Korte at iginiit na ang June 3 session ay isinagawa alinsunod sa Konstitusyon, umiiral na jurisprudence at mga panuntunan ng Senado.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, kalaunan ay pormal na nahalal si Gatchalian bilang Senate President noong June 17, matapos makuha ang ika-13 boto mula kay Senator Joel Villanueva.