Posibleng umpisahan ng Senado sa Oktubre 14 ang pagtalakay sa panukalang ₱7.2-trilyong pambansang badyet para sa 2027, ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian.

Sinabi ni Gatchalian na maaari nilang simulan ang deliberasyon kapag natapos na ng prosecution team ang paglalahad ng mga ebidensya nito sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Oktubre 13.

Naipasa na sa ikalawang pagbasa ng House of Representatives ang panukalang pambansang badyet. Gayunman, umani ito ng batikos mula sa ilang mambabatas dahil sa mga pagbabagong ginawa sa alokasyon ng pondo.

Tiniyak naman ni Gatchalian na masusing susuriin ng Senado ang mga probisyon ng panukalang budget bago ito tuluyang pagpasiyahan.