Itutuloy sa Nobyembre 9 ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, batay sa inilabas na schedule ng Senate impeachment court para sa buwang ito.

Nakatakda namang magkaroon ng buong araw na pagdinig mula alas-10 ng umaga hanggang 6:30 ng gabi sa Nobyembre 10, 12 at 13, gayundin sa Nobyembre 19 at 20.

Magpapatuloy ang paglilitis sa Nobyembre 11, alas-10 ng umaga, habang alas-10 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon naman ang pagdinig sa Nobyembre 23.

Walang impeachment trial mula Nobyembre 16 hanggang 18 dahil idineklara ang mga araw na ito bilang special non-working days sa Metro Manila para sa 49th ASEAN Summit at mga kaugnay na pulong.

Sa pagpapatuloy ng paglilitis, ang kampo ni Duterte naman ang maglalahad ng kanilang mga ebidensiya at testigo.

-- ADVERTISEMENT --