Iginiit ng Senate majority bloc na isang lehitimong parliamentaryong hakbang ang kanilang muling hindi pagdalo sa plenary session upang maprotektahan ang mga nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senado at maiwasan ang pagbabago sa liderato ng mga komite.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng majority bloc na nagkaroon ng hindi pangkaraniwang sitwasyon sa Senado matapos maaresto si Senador Jinggoy Estrada at dahil sa patuloy na pagkawala sa publiko ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Ayon sa kanila, bagama’t hindi sapat ang mga pangyayaring ito upang mabago ang liderato ng Senado, maaari umano itong makaapekto sa balanse ng boto at magresulta sa pagbabago ng pamumuno sa ilang komite kung magkakaroon ng sesyon.

Muling hindi dumalo sa plenary session ang mga miyembro ng majority bloc noong Martes, dahilan upang hindi makabuo ng quorum ang Senado.