Muling binuhay ng Senate minority bloc ang kontrobersyal na House leadership crisis noong 2020 habang kinukuwestiyon ang pamumuno ni Senate President Alan Peter Cayetano kasunod ng hindi pagdaraos ng sesyon sa Senado.

Ayon sa minority senators, may pagkakatulad umano ang kasalukuyang sitwasyon sa nangyari noon sa Kamara kung saan nasangkot si Cayetano sa sigalot sa liderato at pagkaantala ng mga proseso sa Kongreso.

Tinukoy nila ang term-sharing agreement noon sa pagitan ni Cayetano at dating House Speaker Lord Allan Velasco na nauwi sa krisis matapos maantala ang nakatakdang pagpapalit ng liderato habang tinatalakay ang pambansang badyet.

Binigyang-diin ng minority na mahalagang matiyak ang tuloy-tuloy na pagtakbo ng mga proseso sa Senado, lalo na sa gitna ng mga mahahalagang usapin na nakabinbin sa kapulungan.

Samantala, wala pang opisyal na tugon si Cayetano sa mga pahayag ng Senate minority.

-- ADVERTISEMENT --