Nagpaliwanag si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano tungkol sa nauna niyang suhestyon na pagbabayad ng mga Pilipino ng tig P170,000 para sa utang ng bansa.

Sa budget deliberation ng Department of National Defense (DND) para sa 2027, sinabi ni Cayetano na dapat ay well research at hindi biased ang mga news anchors na aniya’y nagsasabi na paano magbibigay ng P170,000 kung mahirap ang buhay at sakto lang ang sahod.

Katwiran at paglilinaw ni Cayetano, hindi niya sinabing lahat ng Pilipino ay magbigay ng P170k kundi ang dapat na magbigay ay ang richest of the rich lamang na bumubuo ng 1 percent ng populasyon.

Sinabi pa no Cayetano na kung ang bawat pinakamayayaman sa bansa na bumubuo ng 1 percent ng populasyon ay magbibigay ng P170-K kada isa, makakabuo tayo ng P200 Billion.

Dagdag ng senador, malaking bagay na Ito at kung gagana ang volunteerism at generosity sa bansa ay posibleng mapababa ang buwis sa 10% mula sa 12%.

-- ADVERTISEMENT --