Walang naririnig na plano si Senate President Sherwin Gatchalian na i-boycott ng Senate minority ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Gatchalian, dumadalo pa rin ang mga minority senator sa budget hearings at Commission on Appointments.

Lumitaw ang usapin matapos hindi lumahok sa botohan ang anim na minority senator sa pagbabago ng conviction threshold sa impeachment trial.

Samantala, sinabi ni Gatchalian na magpapatuloy ang paglilitis dahil wala pang temporary restraining order mula sa Supreme Court laban sa bagong threshold.

-- ADVERTISEMENT --