Nadagdagan ang mga committee membership ng ilang senador mula sa minority bloc matapos silang ihalal bilang chairperson, vice chairperson at miyembro ng iba’t ibang permanenteng komite ng Senado.

Pinangunahan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang mosyon para ihalal ang mga miyembro ng minority sa mga komite, kabilang ang Government Corporations and Public Enterprises, Public Information and Mass Media, Tourism, Basic Education, Higher Education at Public Order and Dangerous Drugs.

Inaprubahan ni Senate President Sherwin Gatchalian ang mga nominasyon matapos walang tumutol mula sa plenaryo.

Ayon kay Cayetano, handa ang minority bloc na dagdagan ang kanilang workload sa mga komite.

Nangako rin siyang makikipag-usap kay Gatchalian at Majority Leader Juan Miguel Zubiri upang maresolba ang iba pang usapin sa committee assignments pagsapit ng Lunes.

-- ADVERTISEMENT --