Patuloy ang isinasagawang search and retrieval operation sa isang lalaki na pinaniniwalaang nalunod sa ilog Cagayan sa bayan ng Camalaniugan kahapon ng hapon.

Ayon kay PMAJ Ranilo Bumagat, hepe ng Camalaniugan Police Station, lumalabas sa imbestigasyon at batay na rin sa salaysay ni Edmund Vallejos, kasama ng biktima na si Emy Damaso, 61-anyos, welder, na sumakay sila sa bangka na kanilang sasakyan pauwi sa kanilang lugar sa Barangay Joaquin dela Cruz galing sa kanilang trabaho.

Ayon kay Vallejos, umupo ang biktima sa likurang bahagi ng bangka habang nilalagyan niya ng krudo ang bangka.

Subalit, nang lumingon siya ay wala na sa kanyang kinauupuan ang biktima, na pinaniniwalaan niyang nahulog sa ilog.

Sinabi pa ni Vallejos na nakainum sila nang mangyari ang insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Major Bumagat, nagtutulungan ngayon ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, Philippine Coast Guard at Maritime Group sa search and retrieval oiperation.