TUGUEGARAO CITY- Nagkakaroon umano ng shortage sa poultry products sa Region 2 dahil sa African swine fever.
Sinabi ni Mayor Miguel Decena ng Enrile, Cagayan at isang poultry raiser na nagsu-supply ng poultry sa buong rehion at Ilocos region na lumalaki ang demand ngayon sa poulty products dahil sa takot ng ilang mamamayan na kumain ng karne ng baboy dahil sa ASF.
Bukod dito,ipinagbawal ang pagpasok ng buhay na baboy at pork by products sa Isabela.
Dahil dito, sinabi ni Decena na posibleng tumaas ang presyo ng manok bagamat sa ngayon ay stable pa ang presyo nito na P98 per kilo ang farm gate price.