Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakakabahala ang kamakailan ay nakitang Russian attack submarine sa West Philippine Sea.
Kasabay nito, sinabi ni Marcos na ipinauubaya na niya ito sa militar ng bansa.
Sinabi niya na nakakaalarma ang nasabing singting at ang anomang panghihimasok sa WPS sa exclusive economic zone (EEZ) sa ating baselines ay nakakabahala.
Una rito kinumpirma ng military security forces noong Lunes ang sighting ng underwater vessel, ang Ufa ng Navy ng Russia sa WPS.
Una itong nakita sa 148 kilometers o 80 nautical miles sa kanluran ng Occidental Mindoro noong November 28, at galing umano ito sa Malaysia.
-- ADVERTISEMENT --