Kinumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla na maliban kay Senador Bato dela Rosa, mayroon pang mga masusundang dati, ‘o kasalukuyang opisyal ng gobyerno na iisyuhan ng subpoena hinggil sa kanilang extrajudicial killings (EJKs) investigaiton.

Sabi ni Remulla, hindi matatapos kay Senator Bato ang kanilang imbestigasyon.

Sa kabila nito, tumanggi na muna ang kalihim na pangalalan kung sino ito.

Aniya, layunin ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) subpoena na imbestigahan ang mga umano’y EJKs sa Davao.

Aniya, ‘1st step’ ito sa EJK investigation lalo na’t hindi umano inilalabas ang mga opisyal na records sa mga namatay noong war-on-drugs.

-- ADVERTISEMENT --

Inihalimbawa nito ang nangyari sa Bulacan na ‘di umano, in-erase lahat ng mga records.

Sa Metro Manila, inalis din umano noon ang mga records ng cause of deaths.

Muli namang tiniyak ni Remulla na walang kinalaman sa napa-ulat na arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) ang inisyung subppoena ng laban kay dela Rosa.

Pero — handa raw silang aktuhan ito, sa oras na mayroon na talaga.