Nagmungkahi si South Korean President Lee Jae Myung ng pag-uusap sa North Korea para pormal nang wakasan ang Korean War na dekada nang hindi tuluyang natatapos.

Sa kanyang talumpati sa paggunita ng Korean Liberation Day, hinimok ni Lee ang North Korea na isantabi ang mga banta at simulan ang negosasyon bilang mga direktang sangkot sa digmaan.

Ayon kay Lee, maaari ring pag-usapan sa pamamagitan nito ang mga hakbang para mapigilan ang patuloy na pagpapalawak ng nuclear capabilities ng North Korea.

Nanatiling technically at war ang dalawang Korea dahil nagtapos ang 1950-1953 Korean War sa isang armistice at hindi sa peace treaty.

Hindi pa tumutugon ang Pyongyang sa mga panawagan ni Lee para sa pag-uusap at sa halip ay patuloy na pinalalakas ang ugnayang militar nito sa Russia.

-- ADVERTISEMENT --