Isang sundalo ang nasawi matapos maaksidente ang sinasakyang military truck sa kahabaan ng TPLEX sa Caramutan sa Villasis, Pangasinan.

Sa impormasyon mula sa Villasin Municipal Police Station, nangyari ang aksidente alas-2 kahapon ng happon.

Sumabog umano ang isang gulong ng truck na dahilan ng aksidente.

Bukod sa isang nasawi, apat pang sakay ng truck ang nasugatan.