
Isinumite na sa Office of the Ombudsman ang supplemental affidavit ni Ramil Madriaga.
Inilatag ni Madriaga ang karagdagang detalye sa mga nauna na niyang alegasyon, kabilang ang pahayag na umano’y nagastos ang ₱125 million confidential funds noong 2022 sa loob lamang ng isang araw.
Ayon sa kanyang legal counsel, ang supplemental affidavit ay karugtong ng nauna niyang affidavit na isinumite noong Nobyembre 2025, na natanggap ng Ombudsman noong Disyembre ng parehong taon.
Layunin umano ng bagong dokumento na magbigay pa ng mas malinaw na impormasyon at ebidensya kaugnay ng mga naunang isiniwalat.
Kalakip din ng isinumiteng dokumento ang hiwalay na affidavit ng isang assistant special prosecutor, na iniuugnay sa mga isyung binanggit ni Madriaga.
Hiniling ng kampo ni Madriaga sa Ombudsman na agarang suriin ang mga isinumiteng dokumento at magsagawa ng kaukulang aksyon alinsunod sa batas.










