Inaasahang dadalo ngayng araw si Ateneo Mens Basketball coach Tab Baldwin sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng pagkamatay ng dalawang student-athlete ng Ateneo de Manila University (ADMU).

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, maliban sa coach ng Blue Eagles ay 20 pang personalidad ang kanilang sinubpoena kaugnay ng pagkalunod ng rookie player na si Rene Clert Baterbonia at Divine Adili noong June 8 sa team-building activity sa Dipaculao, Aurora.

Kabilang dito ang ilang basketball player at mga opisyal ng Ateneo.

Inasahang magsisimula ang imbestigasyon dakong alas-10:00 ngayong umaga sa opisina ng NBI sa Pasay City.

Samantala, nakatakda namang i-validate ng NBI ang identity ng babaeng nagpakilalang asawa ni Baldwin.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi nito sa social media na hindi ligtas ang mga menor de edad kapag kasama ang coach ng basketball.