Ligtas at hindi nasugatan si United States President Donald Trump matapos ang isa na namang tangkang asasinasyon kung saan isang armadong lalaki ang sumugod sa isang security checkpoint sa kalagitnaan ng isang pagtitipon.

Agad na na-neutralize ng US Secret Service ang suspek.

Ayon kay Trump, ang insidente ay naganap sa kalagitnaan ng isang event na inilaan para sa freedom of speech na dinaluhan ng mga opisyal mula sa magkabilang partido pulitika at mga miyembro ng media.

Sa gitna ng kaguluhan, isang opisyal ang binaril nang malapitan subalit himalang nakaligtas ito dahil sa kanyang suot na bulletproof vest.

Kaugnay nito ay ipinag-utos ni Trump na isapubliko ang tape o video ng insidente upang maipakita ang mabilis at epektibong aksyon ng Secret Service at ng buong law enforcement.

-- ADVERTISEMENT --