Umapela ang Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) na pansamantalang ihinto ang paglalabas ng suweldo ni Depeartment of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla.

Ito ay dahil sa umano’y ‘underachievement’ na sinabayan pa ng regular na ‘hollow media blitzes’ o ingay sa media.

Kasunod na rin ito ng kabiguang ma-aresto si Senador Bato dela Rosa nitong Miyerkules.

Ayon sa SPARK, inilunsad ang isang online petition para i-withhold ang sahod ni Remulla na nilagdaan ng nasa anim na raang tao.

Idiniin nilang na sa loob ng dalawang taong panunungkulan ni Remulla bilang kalihim ng DILG, hindi na ito ang unang pagkakataon na nabigo siyang ipatupad ang pag-aresto.

-- ADVERTISEMENT --

Kabilang na nga rito sina Zaldy Co, Atong Ang, Harry Roque, at Gerald Bantag.

Giit ng grupo, imbes na tugisin ang mga high-profile fugitives, mas binigyang-pansin ni Remulla ang pag-aresto sa libu-libong mahihirap at kabataang Pilipino dahil lamang sa umano’y vagrancy violations nitong kasagsagan ng krisis sa presyo ng langis noong Abril.

Partikular na tinukoy nila ang Safer Citites Initatives na idiniin nilang isang anti-poor measure.

Ipinunto ng SPARK na ang kalihim ay nakatatanggap ng annual salary na higit P4-M ayon sa Commision on Audit (COA), ngunit bigong gampanan ang kanyang tungkulin.

Dahil dito, dapat anila managot ang mga opisyal ng gobyerno na hindi nakapagbibigay ng sapat na serbisyo sa publiko.