Idineklara ng provincial government ng Tarlac ang state of calamity sa lalawigan dahil sa malawakang pagbaha na nakaapekto sa mga komunidad at libo-libong residente.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, kinakailangan ang agarang relief, rescue, recovery at rehabilitation operations sa mga apektadong lugar.

Hindi naman madaanan ang ilang pangunahing kalsada, habang napinsala rin ang mga pananim at ari-arian dahil sa baha.

Dalawang tulay sa Tarlac City ang bumigay, kabilang ang Agana Bridge kung saan nahulog ang isang SUV at apat na pasahero nito ang patuloy na pinaghahanap.

Nakataas ang Red Rainfall Warning sa ilang bahagi ng Tarlac, habang inaasahang magpapatuloy ang malakas na pag-ulan ngayong araw.

-- ADVERTISEMENT --