Tatlong commercial ship ang tinamaan ng drone sa Black Sea malapit sa Sulina Canal ng Romania, dahilan upang dalawang beses magpakilos ng fighter jets ang militar ng bansa.

Ayon kay Prime Minister Luca Niculescu, naganap ang pag-atake nitong Sabado ng gabi. Kinumpirma naman ni Defense Minister Stefan Radu Oprea na walang nasawi at nakontrol ng mga crew ang sunog sa mga barko.

Kabilang sa mga tinamaan ang Greek-flagged oil at chemical tanker na Evia Petrol V, gayundin ang bulk carrier na Marsol at oil products tanker na Ali Najafov, na parehong nakarehistro sa Saint Kitts and Nevis.

Hindi tinukoy ng mga opisyal ang pinagmulan ng mga drone, ngunit sinabi nilang may kaugnayan ang insidente sa nagpapatuloy na digmaan ng Russia at Ukraine.

Nanawagan naman ang Romania ng suporta mula sa mga kaalyado nito sa NATO, kabilang ang pagpapatrolya ng surveillance aircraft at pagbibigay ng mga kagamitang panlaban sa drone.

-- ADVERTISEMENT --