Patay ang isang teenager at dalawang bata matapos silang tamaan ng kidlat sa isang palayan sa Pulilan, Bulacan.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Rexter Enriquez, 16; April Almorade, 11; and Roxane Enriquez, 12, all of Sitio Tangos, Barangay Inaon.

Naglalaro ang mga biktima kasama ang lima pa nilang kamag-anak sa ilalim ng puno ng mangga sa gitna ng palayan nang kumidlat.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagpasiya ang mga biktima na umuwi na nang mapansin nila na madilim ang kalangitan at parating ang ulan.

Ayon sa isang kasama ng mga biktima, pauwi na sila nang magkaroon ng kulog at nakaramdam sila ng pagkakuryente.

-- ADVERTISEMENT --

Agad na dinala ang tatlong biktima sa pagamutan subalit silang dead on arrival.