TUGUEGARA CITY- Magbabayad na ng Special Use Fee ang mga telecommunication companies na may cell sites sa Tuguegarao City.

Ito ay batay sa inaprubahang ordinansa ng city council.

Sinabi ni Vice Mayor Bienvenido De Guzman na P20k kada taon ang babayaran ng telecommunication companies sa bawat ipinatayo nilang cell site.

Ayon kay De Guzman, hindi pinagbigyan ang kahilingan ng mga telecommunication companies na P10k ang kanilang babayaran.

-- ADVERTISEMENT --

Ang pagpapataw ng bayarin para sa mga cell sites ay upang maregulate ang mga ito matapos na may mga reklamo na ang ibang cell sites at malapit sa kabahayan na posibleng magdulot umano ng hindi maganda sa kanilang kalusugan.