
Inihayag ng Department of Foreign Affairs na base sa kanilang mga impormasyong natanggap ay maaring umabot ng mula apat hanggang walong linggo ang gulo sa Middle East.
Itoy matapos tanungin ni Senador Kiko Pangilinan ang mga ahensya ng gobyerno sa naging pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations kung mayroon ba silang projection o tantiya kung hanggang kailan posibleng magpatuloy ang gulo9 rito.
Ani DFA Assistant Secretary Germinia Aguilar-Usdan, base sa mga inisyal na ulat, maari ring mas maging mahaba ang tensyon dito kumpara sa naging gulo sa pagitan ng Israel at Iran noon na tumagal lang ng labingdalawang araw.
Sa kabilang banda, sinabi naman ng Department of National Defense na mahirap pang makapagbigay ng tiyak na timeline tungkol sa posibleng pagtatapos ng tensyon dito bilang maaring magbago agad agad ang sitwasyon dito.










