
Kinondena ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang pahayag ng ilang Chinese scholar na ang Batanes ay bahagi umano ng China dahil ito ay karugtong ng Taiwan.
Tinawag niya itong “walang batayan at katawa-tawa”.
Ayon kay Teodoro, nakababahala ito dahil sa “closed society” ng China, maaaring mapaniwala ang kanilang mamamayan.
Nanawagan siya sa mga akademya sa buong mundo na patigilin ang teoryang ito.
Para kay Teodoro, patunay umano ito na may plano ang China na kontrolin ang buong Pacific Ocean.
Idinagdag niya na ang mga maling pahayag ng China ay magpapatibay lamang sa pagkakaisa ng ibang bansa laban sa “irresponsible behavior” ng Beijing.
Samantala, sinabi ni Rear Admiral Jay Tarriela ng NTF-WPS na hindi dapat palampasin ang naturang pahayag, at nagbabala na baka pati Ilog Pasig ay angkinin na rin ng China kung hindi ito tutulan.










