Plano ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kumuha ng mga pinaka-reputable at kilalang kontratista sa bansa para sa rehabilitasyon ng Maharlika Highway.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, layunin ng hakbang na masiguro ang kalidad at tibay ng proyekto, at maiwasan ang mabilis na pagkasira ng daan.

Ang Maharlika Highway o Pan-Philippine Highway ay pangunahing 3,517-kilometrong network ng mga kalsada, expressways, tulay, at ferry services na nag-uugnay sa Luzon, Samar, Leyte, at Mindanao.

Bagaman karaniwang nakikilahok ang mga top contractors sa foreign-assisted projects, nagpahayag ang ilan ng interes na makatulong sa mga pangunahing proyekto ng gobyerno, kabilang ang Maharlika Highway.

Ayon kay Dizon, ang rehabilitasyon ay ididisenyo nang pangmatagalan at target na matapos bago matapos ang 2027.

-- ADVERTISEMENT --

Binanggit niya na mahalaga ang maayos na disenyo upang maiwasan ang mga daan na nasisira lamang makalipas ang ilang buwan.