Masisilayan sa kalangitan ng Pilipinas ang isang total lunar eclipse sa loob nang ilang oras sa Marso 3, ayon sa DOST-Pagasa.

Tinatayang mahigit kumulang na 59 minuto at 24 segundo ang kabuuan ng eclipse na posibleng makita sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa DOST-Pagasa, sisikat ang buwan sa Maynila bandang 5:58 p.m. pero bahagya pa lang itong eclipsed.

Magsisimula ang totality o ganap na pagtakip sa buwan 7:04 p.m., at mararating ang maximum eclipse sa 7:34 p.m.

Mananatili ang buwan sa umbral phase hanggang 8:03 p.m., bago tuluyang lumabas sa umbral shadow sa 9:17 p.m.

-- ADVERTISEMENT --

Magtatapos naman ang kabuuang eclipse kapag nakaalis na ang buwan sa penumbral shadow bandang 10:25 p.m.

Sa kasagsagan ng eclipse, magmimistulang kulay pula ang buwan dahil sa tuluyang pagtakip ng anino ng mundo sa buwan.

Kilala ang phenomenon na ito bilang “Blood Moon.”

Ligtas din umano panoorin ang lunar eclipse nang hindi nangangailangan ng anumang proteksyon sa mata.