
Nagawa na umano ng Independent Commission for Infrastructure ang kanilang trabaho.
Ito ang tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang matanong siya ng sa press conference sa New York kung bubuwagin o pupunan ang mga bakanteng posisyon sa ICI.
Bagamat hindi direktang sinagot ni Marcos ang tanong, sinabi niya na sa ngayon ay kino-collate na ng ICI ang kanilang findings para sa kanilang final report.
Sinabi ni Marcos na pagkatapos nito ay dadalhin na ito sa Department of Justice at Office of the Ombudsman.
Nilikha ni Marcos ang ICI noong Setyembre ng nakalipas na taon kasunod ng pagbatikos ng mamamayan sa mga milyong-milyong halaga ng korapsyon sa flood control projects sa bansa.
Sa ksalukuyan, may isang commissioner ang ICI, ang chair na si retired Justice Andres Reyes Jr.
Nagbitiw si dating ICI commissioner Rogelio Singson dahil umano sa kanyang kalusugan at sa kanyang seguridad noong December 2025, habang si dating ICI Commissioner Rossana Fajardo ay nagbitiw dahil sa nakumpleto na niya ang kanyang trabaho.










