Isinara kahapon ang dalawang lane ng Maharlika Highway sa Barangay Putlan, Carranglan, Nueva Ecija.

Ito ay bunsod ng nangyaring vehicular accident na kinasangkutan ng trailer truck at SUV.

Batay sa report, nabangga ng trailer truck ang SUV nang sinubukan ng driver na mag-overtake.

Nasa impluwensiya umano ng nakalalasing na inumin ang driver ng trailer truck nang mangyari ang aksidente.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang driver ng SUV na dinala sa pagamutan.

-- ADVERTISEMENT --

Naglagay naman ang Department of Public Works and Highways – Nueva Ecija 1st District Engineering Office ng early warning devices, at patuloy ang monitoring sa sitwasyon, at nagtalaga ng maintainance personnel para umasiste sa lugar.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa nasabing insidente.