
Walang itinakdang petsa ng pagsisimula ng paglilitis ang International Criminal Court Trial Chamber III sa kaso ni dating pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kasong crimes against humanity.
Ayon kay presiding judge Joanna Korner, inaatasan muli ang tatlong accredited experts na nagsuri noon kay Duterte sa confirmation proceedings upang magsagawa ng panibagong assessment sa kanyang trial fitness.
Sinabi ni Korner na mas mabuting hintayin muna ang lahat ng ulat bago magdesisyon ang korte hinggil sa susunod na hakbang ng paglilitis.
Dagdag pa ng hukom, mahalagang makumpleto ang medical at legal assessments bago itakda ang anumang petsa ng trial.









