
Huli ang isang tricycle driver sa ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng pulisya sa bayan ng Aparri at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2.
Kinilala ang suspek na si alyas Aldwin, 48-anyos, may asawa, at residente ng nasabing bayan.
Nagpanggap na buyer ang isang operatiba, kung saan nagbenta ng isang supot ng transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu ang suspek.
Nakuha rin sa pag-iingat ng suspek ng iba pang iligal na droga, buy-bust money na isang P1,000 na tunay na pera at 23 piraso ng tig-P1,000 na fake money, cell phone at motorsiklo.
Kaugnay nito, sinabi ni PCOL Mardito Anguluan, director ng Cagayan Police Provincial Office na ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng patuloy na pinaigting na kampanya laban sa illegal drugs.
Kasabay nito, nagbabala siya sa mga sangkot sa kalakaran ng iligal na droga na tutugisin sila ng kapulisan ng Cagayan.