
Dapat umanong masusing pag-aralan ng mabuti ng Department of Education (DepEd) ang kanilang panukalang trimester system para sa mga estudyante ng kindergarten hanggang Grade 12.
Sinabi ni Dr. Karl Mark Yee, Executive Director, 2nd Congressional Commission on Education (EDCOM2), marami ang factor na dapat ikonsidera sa panukala ng education department.
Aniya, sa suspensyon pa lang ng klase kada taon ay malaki na ang epekto sa panukalang trimester.
Dahil dito, dapat umanong maglatag ang DepEd ng malinaw na dahilan ng kanilang panukala para ito ay maging katanggap-tanggap lalo na sa mga magulang at estudyante.
Una rito, sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na target nilang ipatupad ang trimester system sa school year 2026-2027.
Ayon kay Angara, ito ay bahagi ng “holistic approach” ng DepEd para sa quality education.










