Mas lumalapit pa ang bagyong Leon sa bansa.

Sa ulat ng PAGASA, huling namataan ang Tropical Storm Leon sa layong 1,195 kilometro silangan ng Central Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 80 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong westward sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Sa ngayon ay hindi pa direktang makakaapekto ang Tropical Storm Leon sa bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Wala pa ring nakataas na babala ng bagyo sa alinmang lugar sa Pilipinas.