Asahan na ang maulan na panahon sa malaking bahagi ng Luzon, pati na rin ang ilang parte ng Visayas at silangang Mindanao dahil sa lawak ng napakalaking sama ng panahon na kayang takpan ang bansa.
Papangalanang Kristine ang bagyo pag pumasok na ng PAR, at posibleng tumama sa NorthernLuzon.
Ang buong isla ng Luzon, kabilang ang MetroManila ay makakaranas na ng pag-ulan simula sa Miyerkules sa inaasahang paglapit ng bagyo.
Ang CentralLuzon, CALABARZON ay maapektuhan rin, kasama na ang Bicol Region at Eastern Visayas sa paglapit ng bagyo.
Hindi pa natin alam kung saan aabot ang lakas ng bagyo, kaya’t maging handa palagi dahil posible pa ang pagbabago nito.
-- ADVERTISEMENT --