Iminungkahi ni US President Donald Trump ang pagbibigay ng $5,000 “Trump dividend” sa bawat adultong Amerikano kung magwawagi ang kanyang Republican Party sa congressional elections sa Nobyembre.

Inihayag ni Trump ang panukala sa kanyang halos dalawang oras na talumpati sa unang araw ng Republican Party midterm convention sa Dallas, Texas, kung saan hinikayat din niya ang mga botante na suportahan ang mga kandidato ng partido.

Hindi pa malinaw kung paano ipatutupad ang naturang payout at kung legal ito.

Tinatayang aabot sa mahigit $1 trilyon ang kakailanganing pondo para sa humigit-kumulang 270 milyong adultong Amerikano at posibleng mangailangan ito ng pag-apruba ng Kongreso.

Ginamit din ni Trump ang kanyang talumpati para batikusin ang mga Democrat at ipagtanggol ang kanyang mga polisiya, kabilang ang digmaan laban sa Iran.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, nahaharap ang Republicans sa posibilidad na mawalan ng kontrol sa isa sa dalawang kapulungan ng Kongreso, habang nananatiling mababa ang approval rating ni Trump ilang linggo bago ang midterm elections.