Inihayag ni US President Donald Trump na wala umanong kaalaman si Nvidia CEO Jensen Huang na isang Chinese spy ang babaeng nakarelasyon niya.

Ayon kay Trump, nakausap niya si Huang at tinanong kung alam nito ang umano’y paniniktik ng naturang babae na si Alice Huang, isang Chinese executive na inakusahan ng pagpapasa ng impormasyon sa Beijing.

Iginiit ni Trump na pinaniniwalaan niya ang pahayag ni Huang at sinabing labis itong nahihirapan sa kontrobersiya, lalo na dahil sa epekto nito sa kaniyang pamilya.

Nauna nang inamin ni Huang sa mga empleyado ng Nvidia ang pagkakaroon niya ng relasyon sa ibang babae at humingi ng paumanhin sa kaniyang pamilya at mga kasamahan sa trabaho.

Samantala, sinabi ni Trump na hindi niya alam ang mga alegasyon nang makasama niya si Huang sa pagbisita sa China noong Mayo. Hindi naman nito tinukoy kung kailan niya unang nalaman ang naturang usapin.

-- ADVERTISEMENT --