
Sineseryoso ni United States President Donald Trump ang ulat na posibleng nagpaplano ang Iran ng pag-atake gamit ang tinatawag na dirty bomb sa Washington, D.C.
Sa panayam ng mga mamamahayag sa Maynila nitong Martes, sinabi ni Trump na iniimbestigahan nila ang naturang ulat matapos siyang tanungin tungkol sa intelligence assessment na iniulat ng CNN.
Nang tanungin kung may napipintong banta, nagbabala si Trump na magbabayad umano ang Iran ng katumbas na parusang hindi pa nararanasan ng alinmang bansa kung matutuloy ang pag-atake.
Gayunman, itinanggi ng tagapagsalita ng Foreign Ministry ng Iran ang alegasyon at tinawag itong walang batayan.
Ang dirty bomb ay gumagamit ng kumbensiyonal na pampasabog upang ikalat ang radioactive materials. Hindi ito nagdudulot ng nuclear explosion, ngunit maaari itong magpakalat ng radioactive contamination at magdulot ng malaking panganib at pangamba sa publiko.







