Isang tubong lalawigan ng Abra ang kinoronahan na Binibining Pilipinas International Myrna Esguerra sa Bb. Pilipinas 2024 competition kagabi sa Araneta Coliseum, Quezon City kaninang madaling araw.

Instant millionaire si Esguerra kasama si Binibining Pilipinas Globe Jasmin Bungay mula sa Pampanga.

Ibinigay kasi ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) ang kanilang pinakamalaking cash prize, at nagbigay din ng P400,000 sa first runner-up Christal Jean de la Cruz mula Zambales at second runner-up Trisha Martines mula Pila, Laguna.

Ang coronation show ang pinakamalaki para sa Binibining Pilipinas pageant na may mahigit 100 dating mga nanalo na tumayo sa stage, kabilang sina Miss Universe winners Gloria Diaz, Margie Moran, at Pia Wurtzbach, isa sa mga judge, at Catriona Gray na isa sa mga host.

Nakatakdang makipagkompetisyon si Esguerra sa 63rd Miss International pageant sa susunod na taon.

-- ADVERTISEMENT --