TUGUEGARAO CITY- Nilinaw ng Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao na nasa ilalim pa rin sa Alert level 2 ang lungsod.

Ayon kay Atty. Jonanette Siriban, tagapagsalita ng City Gov’t, bagamat pasok na ang risk classification

ng lungsod sa Alert level 3 dahil sa pagtaas ng Attack Daily Average Rate (ADAR) ay hinihintay pa nila

ang rekomendasyon ng DOH region 2 sa Inter Agency Task Force (IATF) bago ito tuluyang ipatupad.

Kaugnay nito ay muling hihigpitan ang pagpapatupad ng travel restrictions sa lungsod ng Tuguegarao para

-- ADVERTISEMENT --

sa mga biyaherong manggagaling sa mga lugar na nakasailalim sa alert level 3 dahil sa pinangangambahang

banta ng Omicron Variant.

Ayon kay Siriban, nakatakdang pag-usapan sa konseho ang inilabas na Executive Order ni Mayor Jefferson

Soriano upang mapagtibay ito at mailatag ang kaukulang hakbang laban sa pagkalat ng virus.

Sa ngayon ay nakakaranas ang lungsod ng biglaang pagtaas ng active cases at sa pinakahuling datos ay

sumampa na sa 62 ang aktibong kaso na binabantayan ngayon ang kondisyon.

Sinabi ni Siriban na bahagi ng ilalatag na panuntunan sa mga magtutungo sa lungsod mula sa high risk

areas ay ang pagpiprisinta ng negative result ng Antigen test kahit na sila ay fully vaccinated .

Ang mga biyaherong magmumula sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level 2 ay kailangan nilang mag

register sa S-pass at ipakita lamang ang kanilang vaccination cards.

Kaugnay nito ay sinabi ni Siriban na anumang oras ay maglalabas muli ng guidlines ang City Government

sa oras na matalakay na ito sa konseho ngayong araw.

Bahagi nito ay sinabi ni Siriban na inihahanda na rin sa ngayon ang lahat ng mga isolation facilities

sa lungsod upang may magamit sakaling tumaas pa ang kaso ng tinatamaan ng virus.