
Inihihirit ng Commission on Higher Education o CHED na itaas ang tuition fees sa state universities and colleges o SUCs.
Sa budget briefing ng House Committee on Appropriations, inusisa ni TINGOG Party-list Representative Jude Acidre si CHED Chairperson Shirley Agrupis kung bukas ang CHED na pag-aralan ang pagtatakda ng makatotohanang pagtaas ng matrikula para sa SUCs.
Inihalimbawa ni Acidre kung posible ba na maiakyat ito sa 200 pesos per unit.
Pero nilinaw nito na hindi ipapasa ang anumang tuition fee increase sa mga mag-aaral dahil maliwanag sa Free Higher Education Act na gobyerno ang magre-reimburse.
Tugon ni Agrupis, mayroon siyang proposal for multi-year pre-composite fee na pinag-aaralang mabuti.
Ipinunto pa ng kongresista sa interpelasyon kung maaari bang matugunan ng SUCs ang problema sa imprastraktura, faculty, equipment at pagkakaroon ng de-kalidad na edukasyon kung naitaas ang matrikula at reimbursements.
Binigyang-diin ng CHED na posibleng matugunan nang bahagya ang kakulangan ng SUCs, bagama’t kahit mababa ang matrikula ay nakita naman umano ang mataas na performance at pag-produce ng graduates.




