Huli ang isang 33-anyos na driver sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation sa Barangay Centro 2, Lasam, Cagayan kahapon.

Isinagawa ng PNP Lasam at 3rd Mobile Force Platoon ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) RO2.

Agad dinakip ang suspek na kinilalang si aka “Kiko” matapos nitong bentahan ng isang sachet ng hinihinalaang shabu ang isang poseur buyer gamit ang buy-bust money na isang P500 bill.

Bukod sa buy-bust item, nakumpiska rin sa kanya ang isa pang sachet ng hinihinalang shabu na nasa loob ng isang coin purse.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek sa pamamagitan ng inquest proceedings.

-- ADVERTISEMENT --