Muling pinaalalahanan ni PH Ambassador to US, Jose Manuel Romualdez, ang mga hindi dokumentadong Pilipino sa Amerika na humingi ng legal na payo upang maayos ang kanilang kalagayan at maging legal ang kanilang pananatili sa bansa.

Binanggit ni Romualdez na malaki ang panganib na ma-deport ang mga Pilipinong walang dokumento sa Amerika.

Nagbigay din siya ng babala na ang mga na-deport na mula sa US ay maaaring mahirapang makabalik sa hinaharap.

Kaya naman, nagbigay siya ng payo sa mga undocumented na Pilipino na kumonsulta sa isang immigration lawyer at ayusin ang kanilang status habang may pagkakataon pang maging legal ang kanilang pananatili.

Ang abisong ito ay inilabas kasunod ng desisyon ng administrasyon ni US President Trump na wakasan ang temporary protected status ng mahigit kalahating milyong mamamayan mula sa Cuba, Haiti, Nicaragua, at Venezuela na kasalukuyang naninirahan sa Amerika na magiging epektibo sa April 24 ng taon ito.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa datos mula sa US Department of Homeland Security noong 2022, tinatayang nasa 350,000 Pilipino ang walang dokumento sa Estados Unidos.