Nakatakdang magsagawa ng peace talks ang United States at Iran sa Islamabad, Pakistan upang wakasan ang anim na linggong digmaan, ngunit nagkaroon ng pagdududa matapos igiit ng Iran ang mga kondisyon kaugnay ng Lebanon at sanctions.

Pinamumunuan nina US Vice President JD Vance at peaker of the Parliament of Iran na si Mohammad Baqer Qalibaf ang kani-kanilang delegasyon, habang iginiit ng Iran na hindi magsisimula ang usapan hangga’t hindi natutupad ang mga pangako tulad ng pag-alis ng sanctions at ceasefire sa Lebanon.

Patuloy ang tensyon sa Lebanon kung saan nagpapatuloy ang labanan sa pagitan ng Hezbollah at Israel, na nagdulot na ng libo-libong nasawi.

Sa kabila ng tigil-putukan na inanunsyo ni US Pres Donald Trump, nananatiling apektado ang pandaigdigang suplay ng enerhiya dahil sa kontrol ng Iran sa Strait of Hormuz.

Patuloy ding pinag-uusapan ang posibleng kasunduan habang nananatiling matigas ang posisyon ng Iran sa paghingi ng kapalit at pagkilala sa kanilang kapangyarihan sa rehiyon

-- ADVERTISEMENT --