Nais pigilan ng isang pederal na hukom sa Washington, D.C. ang planong Ultimate Fighting Championship (UFC) event sa White House na inorganisa ni U.S. President Donald Trump at nakatakda sa susunod na linggo.

Kasabay nito, hinihiling din sa korte na ipahinto ang pagtatayo ng isang malaking metal na arena structure na tinawag na “The Claw” sa South Lawn ng White House.

Sa reklamong isinampa noong Sabado, hiniling ng dalawang residente ng Washington na maglabas ng temporary restraining order ang korte upang mapigilan ang event na tinawag na “UFC Freedom 250,” na nakatakda sana sa Hunyo 14, kasabay ng ika-80 kaarawan ni Trump.

Ayon sa ulat, gaganapin ang laban sa loob ng 92-foot-tall octagon-shaped cage, habang ang weigh-in ay isasagawa sa Lincoln Memorial.

Kinuwestyon ng mga nagsampa ng kaso ang paggamit ng mga pampublikong lugar gaya ng White House South Lawn at Lincoln Memorial para sa isang pribadong sporting event.

-- ADVERTISEMENT --

Giit nila, labag umano ito sa mga umiiral na patakaran at kinakailangan ang pahintulot ng Kongreso para sa pagtatayo ng malalaking istruktura sa naturang mga lugar.

Samantala, tinawag ng White House ang kaso na “obstructionist, baseless, and dilatory lawsuit,” at iginiit na ang naturang event ay katulad lamang ng iba pang opisyal na aktibidad na idinaraos sa White House grounds at National Mall.