Kinumpirma ng Malacañang na bibisita sa Pilipinas si United States President Donald Trump upang dumalo sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kumpirmado ang pagbisita ni Trump, ngunit hindi pa inilalahad ang iba pang detalye, kabilang ang eksaktong petsa ng kaniyang pagdating.

Hindi rin kinumpirma ni Castro kung may kaugnayan ang pagbisita sa posibleng paglagda sa Pax Silica framework.

Gaganapin ang ika-49 na ASEAN Summit at mga kaugnay na pagpupulong mula Nobyembre 16 hanggang 18 sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Inaasahang dadalo rito ang mga lider ng mga bansang kasapi ng ASEAN at iba pang partner countries. Idineklara na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na special non-working days ang naturang mga petsa.

-- ADVERTISEMENT --

Huling bumisita si Trump sa Pilipinas noong 2017, sa kaniyang unang termino bilang pangulo ng Estados Unidos.