
Umakyat na sa P19.61 trilyon ang kabuuang utang ng ng Pilipinas sa pagtatapos ng Agosto.
Ayon sa Bureau of the Treasury, mas mataas ito ng P217.62 bilyon o 1.12% kumpara sa P19.39 trilyon noong Hulyo.
Mula naman noong Disyembre 2025, tumaas na ng 10.72% ang national debt mula sa P17.71 trilyon.
Karamihan ng utang ay domestic debt na umabot sa P13.24 trilyon, habang P6.37 trilyon naman ang external debt
Sinabi ng ahensya, kabilang sa dahilan ng pagtaas ng foreign debt ang paghina ng piso laban sa dolyar, na nagdagdag ng P90.32 bilyon sa halaga ng external debt kapag isinalin sa piso.
-- ADVERTISEMENT --
Inaasahan ding madadagdagan pa ang utang ng bansa sa 2027 dahil planong mangutang ang gobyerno ng P1.7 trilyon para pondohan ang inaasahang budget deficit.










