
Sinabi ng Department of Budget and Management o DBM na manageable pa rin ang utang ng bansa sa kabila ng planong paghiram ng pamahalaan ng ₱1.7 trilyon sa 2027 upang matugunan ang kakulangan sa budget.
Ayon kay Acting Budget Secretary Kim De Leon, nakapaloob sa panukalang ₱7.2-trilyong national budget ang pambayad sa utang at interes.
Nasa ₱19.07 trilyon na ang kabuuang utang ng bansa noong Hunyo at inaasahang aabot sa ₱21.48 trilyon pagsapit ng pagtatapos ng 2027.
Giit ng DBM at Department of Finance, nananatiling kontrolado at sustainable ang debt level habang unti-unting binabawasan ang budget deficit, kasabay ng pagpapatuloy ng mga gastusing susuporta sa paglago ng ekonomiya.









